Sa kanyang sagot sa liham ng mga empleyado ng Xiamen Airlines kaugnay ng ika-40 anibersaryo nito, hiniling sa kanila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na aktibong paglingkuran ang pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, at pabutihin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.
Saad ni Xi, nalulugod siya sa napakalaking pag-unlad na natamo ng Xiamen Airlines nitong nakalipas na apat na dekada.
Ipinanawagan din niya sa mga kawani na igiit ang reporma at inobasyon, palakasin ang pangunahing kakayahang kompetetibo ng kompanya, patuloy na mag-ambag tungo sa de-kalidad na pag-unlad ng abiyasyong sibil at pagtatatag ng malakas na bansa sa transportasyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Espesyal na Kinatawan ni Xi Jinping, makikidalamhati sa pagyao ni Nguyen Phu Trong sa Biyetnam
Xi Jinping, nagpadala ng mensaheng pambati sa China-Russia Energy Business Forum
Xi Jinping, bumati kay Paul Kagame sa kanyang muling pagkahalal bilang Pangulo ng Rwanda
Salaysay sa pagpapalalim ng reporma at pagpapasulong ng modernisasyong Tsino, inilahad ni Xi Jinping