Ulat sa Teknolohikal na Inobasyon at Pag-unlad ng Live Coverage sa Olimpiyada ng CMG, inilabas sa Paris

2024-07-26 16:56:10  CMG
Share with:

Inilabas, Hulyo 25, 2024 sa Paris ang multilingguwal na bersyon ng “Ulat sa Teknolohikal na Inobasyon at Pag-unlad ng Live Coverage sa Olimpiyada ng CMG.”

 


Sa live studio ng CMG sa Paris Olympic Games, magkasamang sumaksi sa paglabas ng nasabing ulat sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Yiannis Exarchos, CEO ng Olympic Broadcasting Services (OBS).

 

Inihayag ni Shen na puspusang pinapasigla ng CMG ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya.

 

Aniya, ang paglabas ng nasabing ulat ay natamong bunga ng CMG sa isang yugto sa walang humpay na pagpapasulong sa inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya.

 


May 7 artikulo ang ulat na ito, kung saan detalyadong naglahad ng proseso ng inobasyon at pag-unlad ng CMG sa mga larangang gaya ng teknolohiya ng ultra-high-definition (UHD), 5G at artificial intelligence (AI), at tumanaw sa walang hanggang posibilidad ng integrasyon ng teknolohiya ng media at mga paligsahang pampalakasan sa hinaharap.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil