Mga 8K UHD live broadcast van ng CMG, sinimulang isaoperasyon sa Paris

2024-07-26 16:47:52  CMG
Share with:

Pormal na sinimulang isaoperasyon, Hulyo 25, 2024 sa Stade de France, national stadium ng Pransya sa Paris, ang mga 8K ultra-high-definition (UHD) live broadcast van ng China Media Group (CMG).

 


Ipagkakaloob ng mga live broadcast van ng CMG ang 8K UHD public broadcast signal ng Olympic track and field events at seremonya ng pagpipinid sa panahon ng Paris Olympic Games, at ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pamamahala ng CMG sa pagpoprodyus ng 8K UHD public broadcast signal sa Summer Olympics.

 


Sa kanyang paglalakbay-suri sa iba’t ibang gawaing preparatoryo ng live broadcast van sa Stade de France nang araw ring iyon, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG na ito ay hindi lamang isa pang tagumpay sa kasaysayan ng pagkokober ng CMG, maging ng mga Chinese media sa Olimpiyada, kundi palatandaan din ng nangungunang lebel ng agham at teknolohiya ng Tsina sa daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil