Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isasagawa ni Pangulong José Manuel Ramos-Horta ng Timor-Leste ang dalaw-pang-estado sa Tsina mula Hulyo 28 hanggang 31, 2024.
Kaugnay nito, sinabi Hulyo 26, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ang unang pagdalaw ni José Manuel Ramos-Horta sa Tsina sapul nang manungkulan siya bilang pangulo ng Timor-Leste noong 2022, simula nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng kapuwa bansa.
Sa pananatili sa Tsina, mag-uusap sina Xi Jinping at José Manuel Ramos-Horta, ani Mao.
Kasama ng Timor-Leste, nakahanda ang Tsina na ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pasulungin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Ramil