CMG at UN Tourism, isasagawa ang kooperasyon

2024-07-30 16:09:33  CMG
Share with:

Nilagdaan kahapon, Hulyo 29, 2024 sa Madrid, Espanya ng China Media Group (CMG) at United Nations (UN) Tourism ang memorandum of cooperation (MOC) hinggil sa pagbabalita ng kultura at turismo, promosyon ng tatak ng turismo at mga aktibidad ng media.

 

Magkasamang sinaksihan nina Presidente Shen Haixiong ng CMG at Zoritsa Urosevic, Executive Director ng UN Tourism, ang paglalagda ng MOC.

 

Ipinahayag ni Shen ang kahandaan ng CMG na pasulungin ang kooperasyon ng dalawang panig at pasiglahin ang pag-unlad ng pandaigdigang industriya ng turismo.

 

Pinsalamatan naman ni Urosevic ang pagkatig ng CMG para sa pangmatagalang suporta nito sa UN Tourism.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil