Kaugnay ng paglalagay ng mid-range missile system ng Amerika sa Pilipinas, muling sinabi, Hulyo 31, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang pagsang-ayon ng Pilipinas sa paglalagay ng mid-range missile system sa bansa ay maling desisyon.
Aniya, ang aksyong ito ay nagpapalala ng tensyon at salungatan sa rehiyon, at nag-u-udyok ng heograpikal na komprontasyon at paligsahan sa armas.
Hinimok ni Lin ang mga may kinalamang bansa na iwasto ang maling aksyon at i-urong ang missile system sa lalong madaling panahon, alinsunod sa pangako.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio