Turista, ikinatuwa ang mga produktong tampok sa Temple of Heaven

2024-08-01 11:01:52  CMG
Share with:

Ngayong Tag-init, napakaraming tursita mula sa loob at labas ng Tsina ang pumupunta sa Beijing, kabisera ng bansa, para bisitahin ang mga kilalang atraksyon, na kinabibilangan ng Tian Tan o Temple of Heaven.

 

Matatagpuan sa distritong Dongcheng ng Beijing, ang Temple of Heaven ay hindi lamang isang obra maestra ng sinaunang arkitekturang Tsino, kundi, isa rin sa mga pinakamalaking nakatayo-pa-ring sinaunang sistema ng mga gusali para sa paghahandog ng sakripisyo sa kalangitan.

 

Bukod sa katangi-tanging arkitektura, ikinatutuwa rin ng mga turista ang mga malikhaing produktong kultural na tampok dito.

 

Mabentang-mabenta ang samu’t-saring produktong gaya ng bookmark, refrigerator magnet, jigsaw puzzle, toy bricks set, at iba pa.

 


Salin: Kulas

Pulido: Rhio