Ayon sa ulat ng Myanmar Radio and Television, sa pulong, Hulyo 31, 2024, ng Myanmar Defense and Security Council, inanunsyo nito ang 6-buwang muling pagpapalawig ng pambansang estado ng emerhensya sa bansa, alinsunod sa mga kaugnay na probisyon ng konstitusyon.
Ito ay upang maibalik ang pambansang seguridad at katatagan at matagumpay na makumpleto ang lahat ng paghahanda bago ang halalan.
Tinalakay din sa pulong ang mga usapin ukol sa pambansang seguridad, ekonomiya, lipunan, seguridad sa pagkain, at paghahanda para sa halalan.
Salin: Zhong Yujia
Pulido: Rhio