Sa paanyaya ni Pangulong Mohamed Ould Cheikh Ghazouani ng Mauritania, dumalo Agosto 1, 2024, si Wang Guangqian, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Tagapangulo ng Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), sa seremonya ng inagurasyon ni Ghazouani para sa kanyang ikalawang termino sa kabisera ng Nouakchott, Mauritania.
Sa pahanaon ng seremonya ng inagurasyon, kinatagpo si Wang ni Ghazouani.
Iniabot ni Wang kay Ghazouani ang mainit na pagbati at mabuting hangarin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sinabi niyang, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Mauritania, at nakahanda ang bansa na makipagtulungan sa Mauritania para patatagin ang pulitikang pagtitiwala sa isa’t isa, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, palakasin ang pagpapalitang kultural at tao-sa-tao, at patuloy na lumikha ng mas maliwanag na prospek ng relasyon ng dalawang bansa.
Taos-pusong pinasalamatan naman ni Ghazouani si Pangulong Xi sa pagpapadala ng espesyal na sugo para dumalo sa kanyang seremonya ng inagurasyon.
Sinabi ni Ghazouani na pinahahalagahan ng Mauritania ang tradisyunal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at kasama ng Tsina, nakahanda ang kanyang bansa na palalimin pa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, at itaguyod ang relasyong Mauritania-Sino tungo sa mas mataas na antas.
Salin: Qiu Siyi
Pulido: Ramil