CMG Komentaryo: Patakaran ng Pilipinas sa SCS, hindi dapat sumunod sa kautusan ng Amerika

2024-08-02 14:30:21  CMG
Share with:

Sa katatapos na pulong ng “2+2” ng mga ministro ng tanggulan at ministrong panlabas ng Pilipinas at Amerika sa Manila, muling ipinahayag ng Amerika na ang Mutual Defense Treaty (MDT) ng dalawang bansa ay maaring gamitin sa South China Sea (SCS).


Nanawagan din ito na isagawa ang ibayo pang kooperasyon sa pagitan ng Amerika, Pilipinas, Australia, at Hapon sa seguridad at depensa para harapin ang di-umanong komong hamon.


Bukod dito, ipinatalastas ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ipagkakaloob ng Amerika ang 500 milyong Dolyares para palakasin ang kakayahang pandepensa ng Pilipinas.


Sa kanyang pakikipagtagpo naman kay Blinken, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangan ng dalawang bansa ang pagsasagawa ng regular na pagkontak para tulungan ang Pilipinas sa pagharap sa Tsina at mga kalagayang pandagat.


Ang mga ito ay nagpapakitang ang Amerika ay isang pangunahing elemento ng lahid sa patakaran ng Pilipinas sa SCS at Tsina.


Sapul nang manungkulan si Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, ang mga patakaran at aksyon ng Pilipinas sa isyu ng SCS ay sumusunod sa mga kautusan ng mga bansang labas ng rehiyon ng SCS sa halip ng makatwirang pag-iisip at konklusyon sa sariling pambansang kapakanan.


Sa katotohanan, ang di-umano’y pangako ng Amerika sa seguridad ng Pilipinas ay hindi naasahan, dahil ang layunin ng Amerika ay pangalagaan ang sariling interes at mapigilan ang pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng pagsuporta at pang-uudyok sa mga patakaran at aksyon ng Pilipinas sa SCS.


Ibig-sabihin, kung magaganap ang sagupaan ng Tsina at Pilipinas, hinding hindi ipapadala ng Amerika ang tropa nito para tulungan ang Pilipinas, isang malinaw na halimbawa nito ang Ukraine.


Kaya ang patuloy na pagsunod ng Pilipinas sa kautusan ng Amerika sa isyu ng SCS ay hindi magdudulot ng kasaganaan at kapayapaan para sa sarili.


Sa kabilang dako naman, ang paglutas sa hidwaan ng SCS sa pamamagitan ng mapayapang paraan ay komong hangarin ng mga bansang ASEAN.


Ang Pilipinas ngayon ay isang nagsasariling bansang Asyano sa halip ng kolonyal na lupa ng Amerika. Ang patakaran ng Pilipinas sa SCS ay hindi dapat sumunod sa kautusan ng Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil