Ipinatalastas kamakailan ng PT Kereta Cepat Indonesia-China (KCIC) na may kakayahang magmaneho ang mga drayber ng Indonesia ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway (HSR) sa bilis na 350 kilometro bawat oras.
Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 2, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mayroong sariling high-speed railway technical team ang Indonesia, at ikinatutuwa ito ng panig Tsino.
Ito aniya ay hindi lamang matingkad na ehemplo ng kooperasyong Sino-Indones na may mutuwal na kapakinabangan, kundi, ipinahihiwatig nito ang ideya ng magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road.”
Kasama ng panig Indones, nakahandang pabutihin ng panig Tsino ang de-kalidad na operasyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway upang maging itong landas tungo sa kasaganaan, kaligayahan at kaligtasan, dagdag pa ni Lin.
Salin: Lito
Pulido: Ramil