Pagbati, inihayag ni Xi Jinping sa bagong Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPV

2024-08-04 20:17:49  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati, Agosto 3, 2024, para kay To Lam kaugnay ng kanyang pagkahalal bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na naniniwala siyang sa pamumuno ng CPV, walang humpay na ma-a-abot ng Biyetnam ang mga nakatakda nitong target, sa usapin ng partido’t estado.

 

Kasama ni To Lam, nakahanda aniya siyang patnubayan ang substansyal na pag-unlad sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Biyetnam, ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang estratehikong pag-uugnayan, at pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, para ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga Tsino’t Biyetnames, at ibigay ang ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan