Tsina at Timog Aprika, nagpalitan ng palagay hinggil sa krisis ng Ukraine

2024-08-04 20:20:17  CMG
Share with:

 

Sa pagdalaw sa Timog Aprika, Agosto 2, 2024, ni Li Hui, Espesyal na Kinatawan ng Pamahalaang Tsino sa mga Suliraning Eurasian, nakipagpalitan siya ng palagay sa mga opisyal ng bansa tungkol sa krisis ng Ukraine.

 

Ito ay bahagi ng ika-apat na round ng shuttle diplomacy ng Tsina sa naturang isyu na binubuo ng pagdalaw ni Li sa Brasil, Timog Aprika, at Indonesya.

 

Sa pananatili sa Timog Aprika, kinatagpo si Li nina Zane Dangor, Direktor-heneral ng Kagawaran sa Pandaigdigang Relasyon at Kooperasyon, at Adv Nokukhanya Jele, Tagapayo sa mga Isyung Pambatas ni Pangulong Cyril Ramaphosa ng nasabing bansa.

 

Sinabi ni Li, na batay sa hangarin ng komunidad ng daigdig para sa pagpapahupa ng krisis ng Ukraine, inilabas ng Tsina at Brasil ang 6-puntong komong palagay sa pulitikal na paglutas sa nasabing krisis.

 

Kasama ng Timog Aprika, nakahanda aniyang palakasin ng Tsina ang pag-u-ugnayan at pagkokoordinahan para pasulungin ang pagbuo ng pandaigdigang konsensus sa krisis ng Ukraine batay sa nabanggit na komong palagay.

 

Ipinahayag naman ng mga opisyal na Timog Aprikano ang paghanga sa shuttle diplomacy ng Tsina tungkol sa krisis ng Ukraine, at nanawagan sila sa Global South na palakasin ang kooperasyon at likhain ang kondisyon para mapahupa ang tensyon at matamo ang ultimong kapayapaan.

 

Sinabi rin nilang sinusuportahan ng Timog Aprika ang 6-puntong komong palagay ng Tsina at Brasil, at magsisikap sila kasama ng dalawang bansa para itaguyod ang mga komong palagay sa loob ng mga multilateral na balangkas.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan