De-kalidad na pag-unlad sa konsumo ng serbisyo, itataguyod ng Tsina

2024-08-04 20:22:47  CMG
Share with:

 

Upang suportahan ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan at tugunan ang pangangailangan ng mga tao sa personalisado, dibersipikado, at de-kalidad na serbisyo, inilabas, Agosto 3, 2024, ng pamahalaang Tsino ang dokumentong pumapatnubay sa ibayo pang pagpapasulong ng mga serbisyo para sa mga konsumer.

 

Nakapaloob dito ang 20 pangunahing hakbang, na kinabibilangan ng paggalugad sa potensyal ng konsumo sa mga sektor na gaya ng otel at restawran, serbisyong domestiko, pag-aalaga sa matatanda’t bata, industriya ng libangan, turismo, palakasan, edukasyon, at iba pa.

 

Nakalakip din sa dokumento, ang mga gawain upang payamanin ang mga bagong uri ng konsumong gaya ng didyital, berde, at pangkalusugang serbisyo, paglikha ng mga bagong senaryo sa konsumo, pagpapaluwag sa pagpasok ng puhunan sa mga sektor ng serbisyo, pagpapalakas ng pangangasiwa, at paggawa ng mas maraming patakaran bilang suporta sa konsumo ng serbisyo.

 

Palalalimin din anito ng Tsina ang pagbubukas sa labas, sa mga sektor na gaya ng telekomunikasyon, edukasyon, pag-aalaga sa matatanda, at serbisyong medikal, at titiyakin ang pagpapatupad ng mga hakbangin sa pagbubukas sa labas sa mga aspekto ng serbisyong panteknolohiya, turismo, at iba pa.