Ayon sa inisyal na kalkulasyon ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, Hulyo 15, 2024, higit 61.6 trilyong yuan RMB (mga $US8.6 trilyon) ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa unang hati ng taong ito.
Ito ay lumago ng 5% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon dito, tuluy-tuloy na napapanumbalik, matatag sa kabuuan, at umabante ang takbo ng pambansang kabuhayan ng bansa.
Dagdag ng kawanihan, ang bahagdan ng paglago ng GDP ng bansa sa unang kuwarter ng 2024 ay nangunguna rin sa mundo, at mas mabilis kaysa Amerika, Euro Zone at Hapon.
Sa parehong situwasyon, at batay sa kalagayan sa loob at labas ng Tsina, sinabi ng kawanihang nasa unang puwesto rin sa daigdig ang paglaki ng kabuhayan ng bansa sa ika-2 kuwarter ng taong ito.
Ito ay mahalagang makina at puwersang tagapagtatag ng paglago ng kabuhayang pandaigdig, dagdag nito.
Salin: Vera
Pulido: Rhio