Niger, pinutol ang diplomatikong relasyon sa Ukraine 

2024-08-07 15:28:34  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng pambansang telebisyon, inihayag Agosto 6, 2024, ng pamahalaang militar ng Niger na agad nitong pinuputol ang diplomatikong relasyon sa Ukraine.

 

Kinondena ng Nigeria ang suporta ng Ukraine para sa "teroristikong organisasyon" at umaasa na ang United Nations Security Council (UNSC) ay gagawa ng desisyon sa "pagsalakay" ng Ukraine.

 

Ayon sa isang komunike na inilabas noong Agosto 4 ng transisyonal na pamahalaan ng Mali, inamin kamakailan ng military intelligence agency ng Ukraine na sangkot ito sa pag-atakeng inilunsad ng isang armadong grupong teroristiko, na nagresulta sa mga kaswalti at pinsala sa ari-arian ng mga tropang Malian sa giyera sa hilagang-silangan ng bansang ito.


Salin: Yan Jiayue

Pulido: Ramil