Ang NDE ay “white gloves” ng pamahalaang Amerikano—MOFA

2024-08-09 15:51:44  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Agosto 9, 2024 ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) ang isang ulat para ilantad ang katotohanan ng National Endowment for Democracy (NED) at ituring na ang NED ay “white gloves” ng pamahalaang Amerikano.


Ang titulo ng ulat na ito ay "The National Endowment for Democracy: What It Is and What It Does."


Ayon sa ulat na ito, ang NED ay nagpapatupad ng mga lihim na operasyon ng CIA at tumatanggap ng pondo mula sa pamahalaang Amerikano.


Noong 1983, naitatag ang NED at ipinagkaloob ng Kongresong Amerikano ang $18 milyong Doyalres sa NED.


Ayon naman sa data ng panig opisyal ng Amerika, noong taong piskal ng 2023, tinanggap ng NED ang $315 milyong Dolyares mula sa Kongreso.


Tinukoy sa ulat na ito, na sa mahabang panahon, ang NED ay nagbabagsak sa kapangyarihang pang-estado ng ibang mga bansa, nakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang mga bansa, nag-uupat ng paghihiwalay at komprontasyon, at nagliligaw ng pampublikong opinyon tungo sa maling direksyon.


Anang ulat, ang naturang mga aksyon ng NED ay nasa pangangatuwiran ng pagpapasulong ng demokrasya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil