MOFA: Dapat magsikap ang komunidad ng daigdig para mapahupa ang tension ng Gitnang Silangan

2024-08-02 16:16:27  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpatay kay Ismail Haniyeh, pulitikal na lider ng Hamas, ipinahayag kahapon, Agosto 1, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na dapat buong sikap na mapahupa ng komunidad ng daigdig ang tensyon ng Gitnang Silangan at sagupaan sa Gaza Strip.


Sinabi ni Lin na matatag na tinututulan at kinokondena ng panig Tsino ang aksyon ng pagpatay.


Saad niya na kasama ng iba’t ibang may kinalamang panig, nakahanda ang panig Tsino na buong sikap na pasulungin ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan.


Kaugnay naman ng Beijing Declaration, ipinahayag ni Lin na hinahangaan ng panig Tsino ang pagsisikap ng iba’t ibang paksyon ng Palestina para marating ang deklarasyong ito at umaasang sa pundasyon ng rekonsilyasyon, maisasakatuparan ng iba’t ibang paksyon ng Palestina ang pagtatatag ng nagsasariling estado sa lalong madaling panahon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil