Inilunsad, Agosto 8, 2024, ng National Flood Control and Drought Relief Headquarters ng Tsina ang Level 4 emergency response sa pagbaha sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa hilagang bahagi ng bansa.
Gumagamit ang Tsina ng isang apat na antas na sistema ng pagtugon sa emerhensiya para sa pagkontrol sa baha, na ang Antas I ang pinakaapurahang tugon.
Ayon sa Ministry of Emergency Management (MEM), inaasahang tatama ang malakas ulan sa Gansu, Ningxia, Shaanxi, Inner Mongolia, Shanxi, Beijing, Tianjin, Hebei at hilagang-silangan na mga rehiyon sa susunod na apat na araw.
Samantala, iniulat ng MEM na ang emergency rescue center nito ay nagpadala ng 405 katao at 261 yunit ng kagamitan para tumulong sa pagkontrol sa baha at mga rescue operation sa Sichuan, Hunan, at Liaoning.
Editor: Ma Meiyuena (Interna)
Pulido: Ramil Santos