Inihayag, Agosto 10, 2024 ng Gaza Civil Emergency Service (GCES), na nasa 100 katao ang patay sa atakeng panghimpapawid na isinagawa ng Israel sa compound ng isang paraalan sa lunsod Gaza, kung saan nakatira ang mga Palestinong nawalang tahanan.
Kabilang sa mga nasawi ay 11 bata’t 6 na babae, at maraing iba pa ang sugatan.
Anang GCES, ang nasabing paaralan ay isinarado sapul nang sumiklab ang sagupaan ng Israel at Hamas noong Oktubre ng nagdaang taon, at halos 350 pamilyang nawalan ng tahanan ang pansamantalang nakatira sa itaas na palapag, samantalang ang ibabang palapag ay ginagamit nila bilang moske.
Anito, habang nasa ibabang palapag ang maraming tao para sa pagsamba sa umaga, tinamaan ng air strike ang kapuwa palapag.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Israel Defense Forces (IDF), na pinapalaki ng panig Palestino ang bilang ng mga kasuwalti.
Ginamit anito ang mga hustong munisyon sa air strike, at hindi posibleng magdulot ng ganoong kalaking pinsala ang mga ito, tulad ng ulat ng GCES.
Dagdag ng IDF, ang naturang paaralan ay pasilidad-militar ng Hamas at Islamic Jihad, at kabilang sa mga napatay ay 19 na armadong tauhan.
Pinabulaanan naman ng Hamas ang pahayag ng IDF.
Ayon sa tanggapang pulitikal ng Hamas, wala ni-isang sundalo nito ang nasawi.
Ang naturang pag-atake ng Israel ay kasuklam-suklam na krimen at malubhang pagpapalala ng tensyon, anito pa.
Samantala, kinondena ng mga bansang Arabe, Turkiye, Pransya, Britanya, at Unyong Europeo ang air strike ng Israel, at ipinahayag ng Amerika ang pagkabahala tungkol dito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan