Tuntunin sa pagpapabilis ng transisyon sa berdeng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, inilabas ng Tsina

2024-08-12 16:23:38  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa ang serye ng mga tuntunin, upang pabilisin ang transisyon sa berdeng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan sa lahat ng aspekto.

 

Ayon dito, matatamo ng bansa ang kapansin-pansing resulta sa transisyon sa berdeng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan sa lahat ng aspekto hanggang 2030.

 

Sa 2035 naman, mabubuo sa kabuuan ang isang berde, mababang karbong sistemang ekonomiko na may sirkular na pag-unlad, at maisasakatuparan din sa kabuuan ang target ng kaaya-ayang Tsina, anito pa.

 

Kalakip din ng nasabing mga tuntunin ang ilang mga gawain, at ipinagdiinan ang transisyon sa berdeng pamamaraan ng konsumo.

 

Ayon sa Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, ang mga tuntunin ay magiging makabuluhan para sa pagpapasulong ng transisyon sa modelo ng berdeng pag-unlad, komprehensibo nitong mapapabilis ang pagtatatag ng kaaya-ayang Tsina, at maisasakatuparan ang de-kalidad na pag-unlad.

 

Ayon pa sa mga tuntunin, ilulunsad ng bansa ang mga polisyang piskal at pambuwis na makakatulong sa berde’t mababang karbong pag-unlad at mabisang paggamit ng mga yaman.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio