Tsina, kinondena ang lahat ng aksyon laban sa mga sibiliyan at nanawagan ng tigil-putikan sa Gaza

2024-08-13 15:18:42  CMG
Share with:

Kaugnay ng pag-atake ng Israel noong Agosto 10, 2024, sa isang paaralan ng Gaza na ikinamatay ng mahigit 100 katao, sinabi kahapon, Agosto 12, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na ikinababahala ng Tsina ang kinauukulang operasyong militar ng Israel na nagdulot ng napakalaking kasuwalti ng maraming sibilyan sa Gaza.

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Lin na kinukondena ng Tsina ang lahat ng mga aksyong pumipinsala sa mga sibilyan, at tinututulan ang lahat ng hakbang na lumalabag sa internasyonal na makataong batas, at nanawagan ang Tsina sa Israel na agarang itigil ang labanan, isagawa ang lahat nang posibleng hakbangin para maprotektahan ang sibiliyan, at iwasan ang ibayo pang paglala ng situwasyon sa rehiyon.

 

Hinihimok ng Tsina ang komunidad ng daigdig na doblehin ang pagsisikap para maibsan at mawakasan ang makataong sakuna sa Gaza, dagdag ni Lin.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil