Natapos Agosto 11, 2024 (lokal na oras), ang 2024 Paris Olympics at pumasok sa ikalawang pwesto ang Tsina na may pinakamaraming medalya sa talaan, na may 40 ginto, 27 pilak, at 24 na tanso, na lumikha ng pinakamahusay na rekord sa kasaysayan ng paglahok sa Summer Olympics sa ibang bansa, na ganap na binibigyang-kahulugan ang diwa ng palakasan ng Tsino at Olimpiyada.
Sa ekslusibong panayam ng China Media Group (CMG) kay Emmanuel Macron, Pangulo ng Pransya, ipinahayag niya na ang natamong bunga ng Tsina sa Olimpiyada ay nagpapatunay sa kakayahan ng Tsina na linangin ang mahuhusay na atleta. Sa dayuhang platamora ng social media, pinuri din ng mga netizen ang pagganap ng mga atletang Tsino.
Saan nga ba nagmumula ang kompetitibong lakas ng palakasan ng Tsina?
Sa tingin ng mga tagapag-analisa, ang mga dahilan nito ay mula sa iba’t ibang aspeto, kabilang na ang patuloy na pagpapahusay ng komprehensibong pambansang kakayahan ng Tsina at pagpapabuti ng mga antas ng pagsasanay sa kompetitibong palakasan at iba pa. Ito rin ay ang pinagsama-samang maraming mga kadahilanan na naglatag ng pundasyon para sa Tsinong atleta na makamit ang magagandang resulta sa Paris Olympic.
Sa hinaharap na mga kompetisyong pampalakasan, patuloy na magsisikap ang Tsina na isulong ang diwa ng Olimpiyada, itaguyod ang kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, at mag-ambag ng higit pang karunungan at lakas ng mga Tsino sa pag-unlad ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil