Sa kanyang pahayag sa tatlong araw na Asia Pacific Summit for Aviation Safety 2024 (AP-SAS 2024) na nagsimula sa Beijing, Agosto 13, 2024, sinabi ni Song Zhiyong, Pinuno ng Civil Aviation Administration of China (CAAC), na posibleng salubungin ng Tsina ang mataas na bilang ng biyaheng panghimpapawid ngayong taon.
Maaaring umabot sa 700 milyon ang biyaheng panghimpapawid ng mga pasahero sa Tsina ngayong taon, aniya.
Ayon kay Song, kumpara sa parehong panahon ng 2019, sa unang hati ng 2024 ay tumaas ng 11.9%, 9% at 18.7% ang kabuuang transport turnover, paglalakbay ng mga pasahero, at bolyum ng kargamento at sulat, sa sektor ng abiyasyong sibil ng Tsina, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Salin: Shi Weiyang
Pulido: Rhio