Magkasamang inilabas kamakailan ng Konseho ng Estado at Sentral na Komisyong Militar ng Tsina ang isang serye ng mga sinusugang regulasyon sa subsidya at benepisyo para sa mga miyembro ng serbisyong militar, at magkakabisa ang mga ito simula Oktubre 1, 2024.
Layon ng mga regulasyon na igarantiya ang mga subsidya at tratadong preperensyal ng mga personaheng militar, himukin silang gumawa ng ambag sa pagtatanggol at pagtatatag ng inang bayan, at pag-ibayuhin ang modernisasyon ng tanggulang bansa at hukbo ng Tsina.
Ito ang ika-3 beses nang pagsusog sa mga relugasyon sa subsidya at benepisyo para sa mga miyembro ng serbisyong militar na inilabas noong 2004.
Salin: Vera
Pulido: Rhio