Mahigit 70 aktibidad, gaganapin sa China-ASEAN Education Cooperation Week

2024-08-15 15:59:59  CMG
Share with:

Ayon sa isang press conference Miyerkules, Agosto, 24, 2024, gaganapin mula Agosto 20 hanggang 25, 2024, ang 2024 China-ASEAN Education Cooperation Week sa Guizhou, timog-kanlurang lalawigan ng Tsina.


Sinabi ng mga tagapag-organisa na mahigit sa 70 aktibidad ang nakatakdang isagawa para sa linggo ng pagtutulungan ng edukasyon ngayon taon.

 

Sinabi din ng mga tagapag-organisa na itatampok dito ang pinakabagong mga bunga ng pagpapalitan at pagtutulungang pang-edukasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at ibabahagi ng mga bansang Tsina at ASEAN ang kanilang karanasan at mga resulta sa mga larangang kinabibilangan ng mas mataas na edukasyon at bokasyonal.


Salin: Shi Weiyang


Pulido: Ramil