Hari ng Kambodya: lalo pang lalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Kambodya at Tsina

2024-07-19 15:23:24  CMG
Share with:


Tinanggap Hulyo 17, 2024 sa Phnom Penh, Kambodya ni Norodom Sihamoni, Hari ng Kambodya, ang kredensiyal ni Wang Wenbin, bagong Embahador ng Tsina sa bansang ito.

 

Sa kaganapang ito, ipinahayag ni Sihamoni, na ang Tsina ay walang hanggang kaibigan ng Kambodya, ang tradisyunal na pagkakaibigan sa pagitan ng Kambodya at Tsina ay lalo pang lalalim, at ang pagtutulungan sa iba’t ibang larangan ay magkakamit ng mas masaganang bunga.

 

Sinabi naman ni Wang na magsisikap siya, kasama ng mga personahe ng iba’t ibang sirkulo ng Kambodya, para patatagin at palalimin ang matalik na pagkakaibigan ng dalawang bansa.