Tsina, hinimok ang Hapon na maging maingat sa mga isyu ng kasaysayan at manatili sa mapayapang pag-unlad

2024-08-16 18:18:02  CMG
Share with:

 

Hinimok Huwebes, Agosto 15, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Hapon na maging maingat sa mga isyu ng kasaysayan tulad ng Yasukuni Shrine, alisin ang militarismo at manatili sa landas ng mapayapang pag-unlad.

 

Ayon sa ulat, ini-alay noong Huwebes ni Fumio Kishida, Punong Ministro ng Hapon, sa kapasidad ng Pangulo ng Liberal Democratic Party ang "tamagushi," isang ritwal na handog sa Yasukuni Shrine. Kabilang sa mga nagbigay galang sa dambana ay ang mga miyembro ng gabinete, na gaya nina Ministro Minoru Kihara ng Tanggulan, Ministro Yoshitaka Shindo ng Regional Revitalization at ilang miyembro ng National Diet.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Lin na ang Yasukuni Shrine, kung saan pinarangalan ang mga Class-A war criminal ng World War II, ay isang espiritwal na kasangkapan at simbolo ng mga digmaan ng agresyon na isinagawa ng mga militaristang Hapones.

 

Saad niya, ang ginawa ng ilang pinunong pampulitika ng Hapon sa isyu ng Yasukuni Shrine ay muling nagpapakita ng maling pag-uugali sa mga isyung pangkasaysayan. Nagsampa aniya ang Tsina ng malubhang protesta sa panig Hapones at ipinahayag ang makatarungang posisyon hinggil dito.

 

Tinukoy ni Lin, na ang pagbibigay-diin ng Tsina sa pangangailangang tandaan ang mga aral ng kasaysayan ay hindi para ipagpatuloy ang pagkamuhi, ngunit para gamitin ang kasaysayan bilang salamin, upang itaguyod ang kapayapaan, at tumingin sa hinaharap.

 

Dagdag pa niya, hinihimok ng Tsina ang Hapon na kilalanin at pagnilayan ang kasaysayan ng agresyon nito at gumawa ng kongkretong aksyon para makuha ang tiwala ng mga kapitbahay sa Asya at ng internasyonal na komunidad.


Editor: Shi Weiyang (Interna)
Pulido: Ramil Santos