Isinagawa Huwebes ng umaga, Agosto 15, 2024, sa Nanjing, lalawigang Jiangsu ng Tsina, ng Memorial Hall of the Victims in Nanjing Massacre by Japanese Invaders ang isang kaganapan ng pag-alala para markahan ang ika-79 na anibersaryo ng pagsuko ng Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).
Noong Agosto 15, 1945, ang 14 na taong delikadong pakikipaglaban ng mga mamamayang Tsino laban sa mga mananalakay na Hapones ay natapos nang ipahayag ng Hapon ang kanilang pagsuko.
Humigit-kumulang 30 katao, kabilang ang mga batang mag-aaral, mga boluntaryo sa kolehiyo at mga desendyente ng mga nakaligtas sa Nanjing Massacre ang dumalo sa kaganapang ginanap sa isang exhibition hall na nagtatampok sa muling pagsasadula ng seremonya ng pagmirma ng pagsuko na ginanap sa Nanjing noong 1945.
Editor: Qiu Siyi (Interna)
Pulido: Ramil Santos