Radioactive water, sumingaw mula sa Fukushima power plant ng Hapon

2024-08-16 16:48:35  CMG
Share with:


Ayon sa ulat ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO), operator ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant ng Hapon, mga 25 toneladang radioactive water ang sumingaw mula sa nasabing planta, isang linggo makaraan ng pinakahuling round ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.

 

Sinabi ng TEPCO na ang mga nuklear na kontaminadong tubig ay sumingaw mula sa isang surge tank na nakakabit sa Unit 2 reactor building.

 

Binabalak ng kompanyang ito na gamitin Biyernes ang isang remotely operated robot, upang suriin ang lebel ng radyasyon sa loob ng silid, at ibayo pang tiyakin ang konkretong lokasyon at sanhi ng pagsingaw.

 

Pansamantalang sinirado ang cooling pump ng pool bilang isang bahagi ng imbestigasyon.

 

Sa piskal na taong 2024, plano ng TEPCO na itapon ang 54,600 toneladang kontaminadong tubig sa dagat sa pitong round, at kabilang dito ay may halos 14 trilyong becquerels ng tritium.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil