Pangalawang Premyer ng Tsina, nanawagan para sa mga pagsisikap na isulong ang berde at mababang-karbong pag-unlad

2024-08-16 18:26:55  CMG
Share with:

 

Nanawagan, Agosto 15, 2024 si Liu Guozhong, Pangalawang Premyer ng Tsina, para sa koordinadong pagsisikap sa pagpapasulong ng berde at mababang-karbong pag-unlad, pagpapalakas ng proteksyon sa ekolohikal at kapaligiran, at paggawa ng matatag na pag-unlad patungo sa dalawahang layunin ng karbon ng bansa.

 

Ginawa ni Liu ang pahayag sa talumpati na binigkas sa seremonya ng pagbubukas ng aktibidad para sa Pambansang Araw ng Ekolohiya ng Tsina na ginanap sa Sanming, silangang lalawigan ng Fujian ng bansa.

 

Sinabi ni Liu, na sa pamamagitan ng pagkilos sa prinsipyo na ang malinaw na tubig at malalagong bundok ay napakahalagang mga pag-aari, ang ekolohiya at kapaligiran ng Tsina ay nakakakita ng tuluy-tuloy na pagpapabuti mula noong 2012.

 

Dagdag niya na ang Pambansang Araw ng Ekolohiya ay nag-aalok ng mga pagkakataon upang bumuo ng konsensus sa berde at mababang-karbong pag-unlad at palakasin ang sinerhiya sa pagbuo ng isang magandang Tsina.

 

Upang itaas ang kamalayan ng publiko at hikayatin ang pagkilos para protektahan ang kapaligirang ekolohikal, itinalaga noong nakaraang taon ng pambansang lehislatura ng Tsina ang Agosto 15 bilang Pambansang Araw ng Ekolohiya.


Editor: Ma Meiyuena (Interna)
Pulido: Ramil Santos