Sa preskon ngayong araw, Agosto 18, 2024, sa Bangkok, Thailand, sinabi ni Paetongtarn Shinawtra, bagong Punong Ministro ng bansang ito, na matagal na pinananatili ng Thailand at Tsina ang malalim na pagkakaibigan, at umaasa siyang magkakaroon ang dalawang bansa ng mas maraming kooperasyon.
Nauna rito, pormal na inaprobahan ni Haring Maha Vajiralongkorn ng Thailand ang panungkulan ni Paetongtarn bilang Punong Ministro.
Pagkaraang tanggapin ang paghirang, ipinahayag ni Paetongtarn, na buong sikap niyang isasabalikat ang mga tungkulin, para ang Thailand ay maging bansang lipos ng mga pagkakataon.
Si Paetongtarn ay puno ng partidong Pheu Thai ng Thailand, at anak ni dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra.
37 taong gulang ngayon, siya ay pinakabatang punong ministro sa kasaysayan ng Thailand.
Editor: Liu Kai