Kaugnay ng insidente kahapon, Agosto 19, 2024, ng bapor ng China Coast Guard (CCG) at bapor ng Philippine Coast Guard (PCG), kinondena ng Amerika ang aksyon ng Tsina sa South China Sea (SCS) at muling iginiit ang suporta nito sa Pilipinas.
Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw, Agosto 20, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Amerika ay walang kinalamang bansa sa isyu ng SCS at walang karapatang makialam sa suliraning pandagat ng Tsina at Pilipians.
Hindi maaaring gamitin ng Amerika ang U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty bilang dahilan para labagin ang soberanya at karapatan at kapakanan ng Tsina sa SCS.
Dapat itigil ng Amerika ang pagpupukaw ng komprontasyon sa SCS at pagsira sa katatagan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil