Noong madaling araw ng Agosto 19, 2024, ilegal na pumasok ang dalawang bapor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan sa paligid ng Xianbin Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina ng walang permisyon ng panig Tsino.
Alinsunod sa lokal at pandaigdigang batas, isinagawa ng China Coast Guard (CCG) ang kinakailangang hakbangin sa mga bapor ng Pilipinas at ang aksyon ng CCG ay propesyonal, mapagpigil at istandard.
Lubos na ipinapakita ng katotohanan na ang panig Pilipino ang siyang may ganap na pananagutan sa insidenteng ito at Pilipinas ang paulit-ulit na nagsasagawa ng probokasyon sa South China Sea (SCS) na sumisira ng kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ang Xianbin Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina, islang hindi tinitirhan at likas na teritoryo ng Tsina.
Sa pagpasok ng bapor ng Pilipinas sa dagat ng Xianbin Jiao, nilalayon nitong matustusan ang mga barko ng PCG at naghahangad na makamit ang pangmatagalang pananatili.
Ang aksyon ng Pilipinas ay lumalapastangan sa soberanya at teritoryo ng Tsina. Ito ay hindi lamang malubhang lumalabag sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), kundi, sumisira din sa sentral na katayuan ng ASEAN sa mga suliraning panrehiyon at panseguridad, at kapakanan ng mga bansa ng ASEAN.
Sa kasalukuyan, pinapasulong ng Tsina at mga bansang ASEAN ang konsultasyon ng Code of Conduct in the South China Sea (COC), at aktibong isinasagawa ang aktuwal na kooperasyong pandagat.
Sa isyu ng SCS, sa mula’t mula pa’y, nananagan ang Tsina sa prinsipyong mapayapa, iginigiit ang maayos na pagkontrol sa mga pagkakaiba kasama ng mga direktang kinauukulang bansa sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon.
Kasabay nito, buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng bansa.
Dapat agarang itigil ng Pilipinas ang mga probokatibong aksyon at agarang iurong ang kinauukulang bapor nito, kundi hindi, tiyak na magbabayad ang Pilipinas para rito.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil