Ipinahayag Agosto 20,2024, ng Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas na pumasok Agosto 19, ang dalawang bapor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan sa paligid ng Xianbin Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina na walang pahintulot ng pamahalaang Tsino.
Sa kabila ng paulit-ulit na babala ng bapor ng China Coast Guard (CCG), sadyang isinagawa ng bapor ng PCG ang mapanganib na aksyon ng pagbunggo sa bapor ng CCG.
Inilabas ng Ministring Panlabas ng Tsina at tagapagsalita ng CCG ang solemnang representasyon hinggil dito at isinapubliko ang on-site video, at maliwanag na ipinapakita ang mga katotohanan.
Sa mula’t mula pa’y, nagsisikap ang Tsina para maayos na hawakan ang alitang pandagat sa Pilipinas sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon. Umaasa ang Tsina na ipapatupad ng Pilipinas ang pangako nito, aktuwal na susundin ang konsensus at kaayusan na narating ng dalawang bansa, pigilan ang mga aksyon na magpapalubha ng situwasyon at makipagtulungan sa Tsina para magkasamang pangasiwaan at kontrolin ang sitwasyong pandagat.
Inilabas noong Agosto 19 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang pahayag hinggil dito, naglabas din ang Embahada ng Amerika at mga kaalyado nito sa Pilipinas ng mga masasakit na pananalita, na nagdulot ng kaduda-dudang motibo sa likod nito.
Pagkatapos ng 22 taong paulit-ulit na praktis, ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) ay naging mahalagang bahagi ng kaayusan at batas ng South China Sea (SCS) na kinikilala ng iba’t ibang panig. Ayon sa Artikulo 5 ng DOC, ang lahat ng panig ay hindi dapat gumawa ng aksyong magpapalubha o magpapalaki sa mga hindi pagkakaunawaan o makakaapekto sa kapayapaan at katatagan. Bilang islang hindi tinitirhan, dapat panatiling walang nakatira at walang pasilidad sa Xianbin Jiao. Kung tunay na nagmamalasakit sila sa kapayapaan at katatagan ng SCS, bakit patuloy nilang pinupukaw ang kaguluhan?
Ang Amerika at mga kaugnay na bansa ay walang kinalaman sa isyu ng SCS at walang karapatang makialam sa mga isyung pandagat sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Dapat itigil ng Amerika ang pagpupukaw ng komprontasyon sa SCS at itigil ang pagsira sa katatagan ng rehiyon.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil