Pagbati sa bagong speaker ng Maldives, ipinaabot ng punong lehislator ng Tsina

2024-05-31 15:32:09  CMG
Share with:

Ipinaabot, Mayo 29, 2024 ni Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, ang pagbati kay Abdul Raheem, bagong halal na Speaker ng Maldives.

 

Kasama ni Abdul Raheem, nakahanda aniya siyang magsikap, upang ipatupad ang mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, pasulungin ang mapagkaibigang pagpapalitan at pagtutulungan ng NPC at kongreso ng Maldives, palalimin ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Maldives.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil