Tsina, naglunsad ng anti-subsidy sa mga produktong gatas ng EU

2024-08-22 16:23:46  CMG
Share with:

Inanunsyo Agosto 21, 2024 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na naglunsad ito ng imbestigasyon ng anti-subsidy sa ilang mga produktong gatas na inaangkat mula sa Unyong Europeo (EU).

 

Ayon sa pahayag ng ministri, ang hakbang na ito ay tugon sa isang aplikasyon na isinumite noong Hulyo ng Dairy Association of China at China Dairy Industry Association sa ngalan ng domestikong industriya.

 

Susuriin ng imbestigasyon ang ilang particular na produktong gatas na nagmula sa EU, kabilang ang sariwang keso, kurd, at asul na keso para sa pagkonsumo ng tao, at ang panahon ng pagsusuri ay itinakda mula Abril 1, 2023, at Marso 31, 2024.

 

Inaasahang matatapos ang imbestigasyon bago matapos ang Agosto 21, 2025, ngunit maaaring palawigin ng kalahating taon sa ilalim ng mga espesyal na pangyayari.

 

Salin: Shi Weiyang

 

Pulido: Ramil