Premyer Tsino, kinatagpo ng Pangulong Ruso

2024-08-22 16:53:52  CMG
Share with:

Kinatagpo Agosto 21, 2024 sa Kremlin, Moscow, si Premyer Li Qiang ng Tsina ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

 

Ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina kasama ng Rusya na ipatupad ang mahalagang pinagkasunduan na naabot ng dalawang pinuno ng estado, panatiliin ang magandang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong bilateral, palawakin ang kooperasyong may mutwal na kapaki-pakinabang, at makamit ang mas praktikal na mga resulta.

 

Ipinunto rin ni Li na dapat patuloy na palalimin ng dalawang panig ang pagpapalitan at pagtutulungan sa turismong pangkultura, edukasyon, kabataan, at lokal na pamahalaan.

 

Dapat higit pang palakasin ng dalawang panig ang multilateral na koordinasyon, patuloy na palalimin kasama ng iba pang mga umuunlad na bansa ang pagtitiwalaan at pagtutulungan, at matatag na isulong ang multi-polarisasyon ng mundo at ekonomikong globalisasyon, dagdag niya.

 


Sinabi naman ni Putin na nakahanda ang Rusya na higit pang palakasin ang kooperasyong kapwa kapaki-pakinabang sa Tsina, palawakin ang pagpapalitang kultural, paigtingin ang komunikasyon at kooperasyon sa loob ng mga multilateral na mekanismo, at isulong ang higit na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong koordinadong partnership ng Rusya at Tsina sa bagong panahon.

 

Salin: Belinda

 

Pulido: Ramil