Sinabi Agosto 22, 2024 ni Li Qiang, Premyer ng Tsina na nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa panig Belarusian para isulong ang mataas na antas ng pag-unlad ng kanilang all-weather na komprehensibong estratehikong partnership.
Ginawa niya ang pahayag habang nakikipagtagpo kay Pangulong Alexander Lukashenko ng Belarus sa Palasyo ng Kalayaan sa Minsk.
Nakahanda rin ang Tsina, kasama ng Belarus, na higit pang palakasin ang multilateral na kooperasyon, isulong ang pag-unlad ng pandaigdigang sistema ng pamamahala sa isang mas makatarungan at makatwirang direksyon, at pangalagaan ang mga komong interes ng mga umuunlad na bansa, dagdag niya.
Sinabi naman ni Lukashenko na nakahanda ang Belarus na makipagtulungan sa Tsina upang itaguyod ang mas malapit na mataas na antas ng pagpapalitan, palalimin ang praktikal na kooperasyon sa ekonomiya, kalakalan, agrikultura, agham at teknolohiya, at iba pang mga larangan, at lumahok sa mga pandaigdigang inisyatiba na iminungkahi ng Tsina para isulong ang higit na pag-unlad ng all-weather na komprehensibong estratehikong partnership sa pagitan ng dalawang bansa.