Sa ika-120 anibersaryo ng kaarawan ni dating lider Deng Xiaoping ng Tsina Huwebes, Agosto 22, 2024, hinangaan ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang namumukod tanging ambag ni Deng, at hiniling ang pagpapasulong sa sosyalismong may katangiang Tsino.
Sa kanyang talumpati sa isang pulong bilang paggunita sa okasyong ito, sinabi ni Xi na dapat patuloy na malalimang mag-aral at magpatupad ng teorya ni Deng Xiaoping.
Si Deng ay buod ng ika-2 henerasyon ng sentral na kolektibong leadership ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), punong arkitekto ng sosyalistang reporma, pagbubukas, at modernisasyon ng Tsina, tagapaglikha ng landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, at dakilang internasyonalistang gumawa ng mahalagang ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, dagdag ni Xi.
Diin ni Xi, ang pinakamahalagang kayamanang pangkaisipan na iniwan ni Deng ay Teorya ni Deng Xiaoping.
Nanawagan siyang malalimang pag-aralan at ipatupad ang teoryang ito, upang resolbahin ang mga problema.
Hiniling din ni Xi na ibayo pang komprehensibong palalimin ang reporma, para tuluy-tuloy na ipagkaloob ang lakas-panulak at paggarantiyang institusyonal sa modernisasyong Tsino.
Tinukoy ni Xi na ang pagsasakatuparan ng kompletong reunipikasyon ng Tsina ay aspirasyon nina Mao Zedong, Deng Xiaoping at ibang miyembro ng mga dating henerasyon ng mga rebolusyonista.
Nanawagan siyang buong sikap na pasulungin ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, at matatag na tutulan ang “pagsasarili ng Taiwan,” upang ipagtanggol ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Aktibong gagampanan ng Tsina ang papel sa reporma at pag-unlad ng sistema ng pangangasiwang pandaigdig, at lilikhain ang mga makabagong pagkakataon para sa daigdig, sa pamamagitan ng makabagong progreso ng modernisasyong Tsino, dagdag ni Xi.
Salin: Vera
Pulido: Ramil