Pagpapasulong sa konserbasyon ng tubig, ipinanawagan ni Xi Jinping

2024-08-14 16:52:40  CMG
Share with:

Sa kanyang sagot sa liham ng mga boluntaryo ng Danjiangkou Reservoir ng lunsod Shiyan, lalawigang Hubei sa gitang Tsina, hinimok ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang mga boluntaryong pangkapaligiran na pasulungin ang konserbasyon ng tubig, at gawin ang ambag sa modernisasyong may maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.

 

Hanga si Xi sa kanilang sigasig.

 

Anang pangulong Tsino, dahil sa malawakang pakikisangkot ng publiko, naging mas malinis ang tubig sa reservoir, mas luntian ang mga bundok, at mas maganda ang kapaligiran.

 

Tinukoy niyang may estratehikong kahulugan ang water diversion project, at masusi ito para sa pangmalayuang pag-unlad at biyaya ng mga mamamayan.

 

Ipinanawagan niya ang tuluy-tuloy na sigasig upang mapangalagaan ang kapaligirang ekolohikal ng yamang tubig.

 

Ang Danjiangkou ang ugat ng middle route ng South-to-North Water Diversion Project ng Tsina.

 

Ipagdiriwang sa Agosto 15, 2024 ang Ika-2 National Ecology Day ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio