CCG, ginawa ang mga hakbang ng pamamahala laban sa intrusyon ng bapor Pilipino sa Xianbin Jiao

2024-08-25 17:00:46  CMG
Share with:

 

Ayon sa China Coast Guard (CCG), iligal na pumasok ngayong araw, Agosto 25, 2024, ang bapor 3002 ng Pilipinas sa karagatan malapit sa Xianbin Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina, nang walang pahintulot ng pamahalaang Tsino.

 

Naglayag din ang bapor na ito, sa pamamagitan ng mapanganib na paraan, sa bapor ng pamamatrolya ng Tsina na nagsasagawa ng normal na operasyon, dagdag ng CCG.

 

Ayon pa rin sa CCG, bilang tugon, ginawa ng panig Tsino ang mga hakbang ng pamamahala laban sa iligal na intrusyon ng bapor Pilipino.


Editor: Liu Kai