Isinalaysay Lunes, Agosto 26, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ginanap kamakailan sa Chiang Mai, Thailand ang di-pormal na pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand, para talakayin ang isyu ng mga cross-border crime.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng iba’t ibang panig na palakasin ang kooperasyon, pahigpitin ang koordinasyon, at pag-ibayuhin ang pagbibigay-dagok sa mga aktibidad na kriminal na gaya ng online gambling, telecom fraud, pagpupuslit ng droga at human trafficking, upang magkakasamang ipagtanggol ang kapayapaan at katahimikan ng rehiyon, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil