Sa ilalim ng proteksyon ng mga pulis at tagapagmonitor sa lokalidad, lumabas kamakailan ang 42 elepanteng Asyano sa Xishuangbanna Dai Autonomous Prefecture, Yunnan ng Tsina para sa paglalakbay, at ligtas silang umuwi sa natural reserve zone pagkatapos ng masayang paglalaro.
Matatandaang noong nagdaang 3 taon, apat na buwang naglakbay ang 15 elepanteng Asyano mula sa Xishuangbanna patungong hilaga, at umuwi sa ilalim ng tulong at patnubay ng mga tao.
Ito ang halimbawa ng pangangalaga ng Tsina sa ekolohiya.
Malalimang naka-ugat sa puso ng mga Tsino ang proteksyong ekolohikal.
Sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), isang espesyal na plano ang ginawa hinggil sa pagpapalalim ng reporma sa institusyon ng sibilisasyong ekolohikal.
Hiniling ng plano na kumpletuhin ang sistema ng pagsasa-ayos sa kapaligirang ekolohikal, at palakasin ang mekanismo ng koordinasyon sa pangangalaga ng dibersidad na biolohikal.
Berde ang de-kalidad na pag-unlad ng Tsina, at ito ay nagsisilbing mahalagang puwersa ng berdeng transpormasyong pandaigdig.
Ayon sa ulat ng International Energy Agency, lampas sa kalahati ang kontribusyon ng Tsina sa bagong karagdagang installed capacity ng renewable energy sa buong mundo noong 2023.
Hinahangad ng Tsina ang modernisasyong may maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.
Sa hinaharap, ipagkakaloob ng Tsina ang mas malaking berdeng puwersa sa pag-unlad ng mundo, at gagawin ang mas malaking ambag sa pandaigdigang pangangasiwang ekolohikal.
Salin: Vera
Pulido: Rhio