Wang Yi, nakipagtagpo sa delegasyon ng Japan-China Friendship Parliamentarians' Union

2024-08-29 16:12:50  CMG
Share with:

Sa pulong, Agosto 28, 2024 sa Beijing ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa delegasyon ng Japan-China Friendship Parliamentarians' Union na pinamumunuan ng tagapangulo ng unyong ito na si Toshihiro Nikai, inihayag niya ang pag-asang itatayo ng Hapon ang wastong layunin at tamang pag-unawa sa Tsina, isusulong ang mga positibo at makatuwirang patakaran sa Tsina, at ipapatupad ang komprehensibong pagtataguyod ng estratehiko at kapuwa kapaki-pakinabang na relasyon.

 

Handa aniyang makipagtulungan ang Tsina sa Hapon upang isulong ang malusog at matatag na relasyong Sino-Hapones.

 


Ipinangako naman ni Nikai at mga kinatawan ng mga partidong pulitikal ng Hapon ang patuloy na pagpapatatag at pagpapabuti ng relasyong Hapones-Sino, pagpapasulong ng pagpapalitang tao-sa-tao at panglehislatura, pagpapahusay ng hene-henerasyong pagkakaibigan at pagkakaunawaan, at pagtataguyod ng komong pag-unlad ng Hapon at Tsina.

 

Salin: Belinda

 

Pulido: Rhio