Kaugnay ng pananalita ng embahador ng Hapon sa Pilipinas hinggil sa nangyari kamakailan sa Xianbin Jiao ng South China Sea, iniharap ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ang nota ng diplomatikong protesta sa Pasuguan ng Hapon sa bansa, ayon sa tagapagsalita ng pasuguang Tsino ngayong araw, Agosto 29, 2024.
Anang tagapagsalita, kapag may nangyayari sa South China Sea, pikit-mata sa katotohanan ang embahador ng Hapon at agad niyang walang batayang binabatikos ang panig Tsino.
Anang nasabing tagapagsalita, paano maipagtatanggol ang kaayusang pandaigdig na nakabatay sa mga alintuntunin, kung may ganitong pananalita na may malinaw na pagpanig?
Tungkol sa pagsunod sa mga alituntuning pandaigdig, humingi ng paliwanag ang tagapagsalita sa embahador ng Hapon, at aniya; bakit inangking ng Hapon ang hurisdiksyon sa 700 libong kilometro kuwadradong karagatan, batay sa di-kukulanging sa 10 metro kuwadradong sona ng Okinotori reef? Sa kabila ng pagkabahala ng mga kapitbansa, buhay at kalusugan ng mga mamamayan sa Asya at buong mundo, bakit itinatapon ng Hapon ang nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima sa Karagatang Pasipiko?
Ipina-ala-ala rin ng tagapagsalitang Tsino sa panig Haponses ang ilang katotohanan sa kasaysayan, na gaya ng pagbawi ng Tsina sa Nansha Qundao mula sa kamay ng mga mananalakay na Hapones at pagsisilbi nitong bahagi ng kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II; pananalakay ng Hapon sa Pilipinas na ikinamatay ng mahigit 100 libong sibilyan sa Manila; at pagkakapatay sa ilampung libong inosente sa kalagitnaan ng Bataan Death March at sa bilangguan ng Fort Santiago.
Anang tagapagsalita, di-madaling natamo ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko, at kailangan itong magkasamang pahalagahan at pangalagaan ng mga bansa sa rehiyon.
Diin niya, sa mula’t mula pa’y matatag na ipinagtatanggol ng Tsina ang sariling teritoryo, soberanya, at karapata’t kapakanang pandagat, at nagpupunyagi upang maayos na hawakan ang alitang pandagat sa Pilipinas, sa pamamagitan ng diyalogo’t konsultasyon.
Hinimok niya ang Hapon na malalimang sariwain ang kasaysayan at sariling pananalita’t kilos, at gumawa ng mas maraming kabutihan para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, upang maging isang tunay na independiyenteng bansa, at matamo ang pagtitiwala ng mga kapitbansang Asyano at komunidad ng daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Pagkontrol sa bapor ng Pilipinas na iligal na pumasok sa katubigan ng Xianbin Jiao, isinagawa – CCG
CCG, ginawa ang mga hakbang ng pamamahala laban sa intrusyon ng bapor Pilipino sa Xianbin Jiao
Embahadang Tsino sa Pilipinas: Dapat itigil ng Amerika ang pagpupukaw ng komprontasyon sa SCS
MOFA: walang karapatan ang Amerika na makialam sa mga suliraning pandagat ng Tsina at Pilipinas