White paper ng Tsina hinggil sa enerhiya, inilabas

2024-08-29 12:55:28  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Agosto 29, 2024 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado o Pamahalaang Sentral ng Tsina ang white paper na pinamagatang China's Energy Transition.

 

Kabilang sa mga pangunahing nilalaman nito ay landas ng pagbabago sa estruktura ng enerhiya ng Tsina, pagbabawas ng emisyon at konsumo ng berdeng enerhiya, pagtatatag ng bagong sistema ng suplay ng enerhiya, pagpapalakas ng inobasyon sa teknolohiya ng enerhiya, pagpapasulong ng modernisadong pangangasiwa sa enerhiya, at pagtataguyod sa pandaigdigang kooperasyon sa berdeng enerhiya.

 

Iniharap din sa dokumento ang mga plano ng Tsina sa katamtaman at mahabang panahon, na kinabibilangan ng malawak na paggamit ng berdeng produksyon at konsumo ng enerhiya bago ang taong 2035; at pagtatatag ng sistema ng malinis, ligtas at epktibong bagong enerhiya at pagsusulong sa non-fossil fuels bilang pangunahing enerhiya bago ang kalagitnaan ng siglong ito, bilang pagtataguyod sa pagsasakatuparan sa target ng carbon neutrality bago ang taong 2060.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio