Idinaos, Agosto 28, 2024, sa lunsod Chengdu, lalawigang Sichuan, gawing timog-kanluran ng Tsina, ang 2024 Media Cooperation Forum on Belt and Road.
Ayon sa mga kalahok, sapul nang inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mahalagang inisyatiba noong 2013, mabilis at mabuting umuunlad ang kooperasyon ng Belt and Road at natamo ang maraming aktuwal na bunga.
Anila, dapat magkakasama at mabuting ikuwento ng mga media ang win-win na kooperasyon ng iba’t-ibang panig sa ilalim ng Belt and Road, isabalikat ang responsibilidad sa pagpapasulong ng kooperasyong ito, magkakasamang harapin ang hamon sa media na dulot ng teknolohiya ng impormasyon, at palalimin ang kooperasyon ng media at pagpapalitan ng sibilisasyon.
Lumahok at nagtalumpati sa pagtitipon si Li Shulei, Puno ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Salin:Sarah
Pulido:Rhio