Tsina at Singapore, nagsasagawa ng joint maritime exercises

2024-08-30 15:06:39  CMG
Share with:

Ayon sa taunang plano at konsensus ng Tsina at Singapore, sinimulan ngayong araw, Agosto 30, 2024, sa lungsod Zhanjiang, probisyang Guangdong sa timog Tsina, ang “China-Singapore Cooperation-2024” joint maritime exercises.

 

Ito ang unang bilateral joint exercises sa pagitan ng mga hukbong-dagat ng Tsina at Singapore at tatlong yugto ang ensayong ito.

 

Isasagawa rin ng dalawang panig ang isang serye ng mga aktibidad tulad ng pagpapalitang kultural, pampublikong pagbubukas ng mga barko, anti-mine, submarine rescue, magkasanib na pag-atake sa dagat, at magkasanib na paghahanap at pagliligtas.


Salin: Yan Jiayue

Pulido: Ramil