Pangalawang Pangulong Tsino at Pangalawang Punong Ministro ng Singapore, nagtagpo

2024-04-09 16:37:05  CMG
Share with:

Nagtagpo ngayong araw, Abril 9, 2024 sa Beijing sina Han Zheng, Pangalawang Pangulo ng Tsina, at Heng Swee Keat, Pangalawang Punong Ministro at Coordinating Minister for Economic Policies ng Singapore.

 

Ipinahayag ni Han na malawak ang prospek ng kooperasyon ng dalawang bansa at kasama ng Singapore, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na panatilihin ang mahigpit na pagpapalagayan sa iba’t ibang antas, maayos na gamitin ang mekanismo ng bilateral na kooperasyon at pasulungin ang de-kalidad na konstruksyon ng kooperasyon ng Belt and Road.

 

Ipinahayag naman ni Heng Swee Keat na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at kasama ng Tsina, nakahanda ang kanyang bansa na patuloy na palawakin ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangang gaya ng inobasyon ng agham at teknolohiya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil